Mula sa isang (1) Medalyang Ginto noong CLRAA 2016 ay umakyat na sa limang (5) Medalyang Ginto ang Team Aurora sa ika-tatlong araw pa lamang ng pakikipagtunggali sa labing siyam (19) na delegasyon ng Rehiyon III ngayong CLRAA 2017.
Pumangatlo ang Aurora (Rank 3-2017 CENTRAL LUSON REGIONAL ATHLETIC ASSOCIATION MEET, Partial Unofficial Summary Over All Results – as of February 8, 2017 5:00 PM) na nagtala ng dalawang (2) Medalyang Ginto, dalawang (2) Medalyang Pilak at isang (1) Medalyang Tanso ang koponan ng Elementarya at tatlong (3) Medalyang Ginto, apat (4) Medalyang Pilak at isang (1) Medalyang Tanso mula sa Sekondarya.
Nasungkit muli ni Gabriel A. Dulay (Athlete No. 0028) ang pangalawang Medalyang Ginto – Event: 800m, 2:04:00 – Category: Secondary-Boys (February 8, 2017). Si Dulay ay nagwagi din ng Medalyang Pilak sa 3000m-STLCHS – S/B na nagtala ng 10:47. Humakot din ng dalawang (2) Medalyang Ginto si Janna G. Mariano (Athlete No. 0020) Discuss Throw-E/G at nagtala ng 23.61m at Javelin Throw –E/G, 32.5m at Kim V. Socorin (Athlete No. 0037) sa 400m Hurdles S/B, 58:15
Samantala, humakot ng Medalyang Pilak sina David M. Valdez – 8.63m, Shut Put E/B, Maidel I. Burce – 1:18 sa 400M-Hurdles E/G, James Ronald M. Magtangob – 6.29m, Long Jump S/B, Jonna D. Nolasco – 11:31, 3000m S/G, at Brixter Luquing, 44.86 – Javelin Throw S/B. Medalyang Tanso naman ang nakamit nila Ace Amatorio, 400m –Hurdles E/B at Leslie Jane S. Zamora, 5:19, 1500m –S/G
Pasok sa semi-Finals ang Team Aurora Secondary Baseball at ang defending Champion Elementary Baseball (CLRAA 2016) na ginanap dito din sa Malolos City, Bulacan.
#